FAQ Tungkol sa Ballot Scout
-
Ang Ballot Scout ay isang application na sumusubaybay sa mga domestikong balota na ipinadala sa pamamagitan ng mga Intelligent Mail barcode ng United States Postal Service (USPS), pati na data mula sa mga tagapangasiwa ng halalan. Ang Ballot Scout ay ginawa ng Democracy Works, isang nonprofit organization na walang pinapanigang partido, at nakikipagtulungan sa mga lokal na opisina ng halalan.
-
Pakilagay ang iyong pangalan, apelyido, at address na inilagay mo bilang address na pagpapadalhan noong humiling ka ng balota, at i-click ang I-track ang lyong Balota (Track Your Ballot). Dapat maglaman ang pangalan at address na inilagay mo ng mga eksaktong detalye na ginamit mo nang magparehistro ka para sa pagboto.
Kung available ito sa inyong hurisdiksyon, makakapag-sign up ka rin para sa mga notification. Para mag-sign up, maghanap ng balota, saka ilagay ang iyong email at/o numero ng telepono sa seksyon ng mga notification. Puwede mo ring i-off at i-on ang mga notification sa seksyong ito anumang oras. Secure na iso-store ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan at hinding-hindi ito gagamitin para sa anumang layunin maliban sa pagpapadala ng mga notification kaugnay ng status ng iyong mga materyal na balota.
-
Matapos mong mag-sign up, magpapadala ang Ballot Scout ng text at/o email kapag umusad na sa bagong kalagayan ang iyong balota. Kapag nag-sign up ka, hindi ka na makakatanggap ng mga notipikasyon tungkol sa mga nakaraang kalagayan kapag nagsimula nang maglakbay ang iyong balota.
-
Upang hindi na makatanggap ng mga notipikasyon sa text, sumagot ng “STOP” sa anumang oras sa alinman sa mga mensahe.
Upang hindi na makatanggap ng mga notipikasyon sa email, i-click ang link sa pinaka-ibaba ng alinman sa iyong mga mensahe sa email na nagsasabing, "Para mag-unsubscribe, i-click dito".
Para itigil o baguhin kung paano mo natatanggap ang mga mensahe, pumunta sa tool, hanapin ang iyong balota, at saka i-on o i-off ang bawat uri ng notification. Makakatanggap ka dapat ng kumpirmasyon ng iyong pagbabago.
-
Kailangan na eksakto ang detalye ng pangalan at address na isusulat mo katulad ng ginamit mo noong nagparehistro ka para sa pagboto. Kung hindi tama ang spelling ng iyong pangalan sa rehistro sa pagboto, magiging mali din ang spelling nito sa Ballot Scout. Kung halimbawang inirehistro mo ang "Rob" at hindi "Robert", kailangang gamitin mo ang palayaw/pinaiksing pangalan mo upang hanapin ang iyong balota. Gayundin, kailangang tumugma ang address na isusulat mo sa address sa koreo katulad ng lumalabas sa iyong rehistro sa pagboto/o sa sobre ng iyong balota. Kung sigurado ka na nai-type mo nang tama ang iyong pangalan at address ngunit patuloy ka pa ring nakakatanggap ng error, kontakin ang iyong lokal na opisina ng eleksyon upang malaman ang kalagayan ng iyong balota.
-
Sa kasalukuyan, walang madaling paraan upang ma-track ang sulat sa military post gamit ang mga basic na Intelligent Mail barcode ng lokal na USPS. Maaari naming ma-track sa pamamagitan ng USPS, ngunit sa sandaling pumasok na ang balota sa military postal system, hindi na namin nakikita ang balota. Maaari kaming magbigay ng bahagi ng tracking data sa mga naaangkop na tagapangasiwa ng eleksyon kung hihilingin nila ito ngunit nagkamali kami sa hindi pagbibigay nito sa mga botante dahil hindi kumpleto ang data na ito. May mga proyekto sa buong bansa na humahanap ng mga paraan upang maging mas maayos ito at kapag nagkaroon na ng epektibong magkasamang paraan ng pagtrack, tiyak na pag-aaralan namin kung paano ito isasagawa!
-
Tingnan sa ibaba ang mga kahulugan ng lahat ng mga posibleng kalagayan ng balota. Tandaan na maaaring hindi daanan ng bawat balota ang bawat kalagayan, at ang ilang feature* ng kalagayan (Ipinadala pabalik sa opisina, Papunta sa opisina, Nakuha, Tinanggap, Hindi Tinanggap) ay available lang sa mga piling lugar.
Inihahanda - Hindi pa naipapadala sa koreo ang iyong balota pero inihahanda na iyon ng iyong lokal na opisina ng halalan. Laging ina-update ang status na ito ng mga opisina ng halalan; hindi ito kailanman kaugnay ng data ng USPS.
Ipinadala sa iyo sa koreo - nasa USPS ang iyong balota at papunta sa iyong address
Nakaiskedyul na para sa Paghahatid - Nasa inyong lokal na opisina ng koreo na ang iyong balota. Dapat ay matatanggap mo na ito sa iyong address sa/malapit sa petsang iyon sa iyong regular mail.
Ibinalik sa Nagpadala - Hindi naihatid ng USPS ang iyong balota sa iyong address. Posibleng kailangang muling mag-isyu ng bagong balota.
Ipinadala sa Opisina* - Ang nakumpleto mo nang balota ay ibinibiyahe pabalik sa opisina ng halalan sa pamamagitan ng koreo
Natanggap Na ng Opisina* - Natanggap na ng opisina ng halalan ang iyong balota. Maaaring nangangahulagan ito na inihatid ng USPS ang iyong balota, o personal na inihatid o inihulog sa drop box ang balota, kung available ang mga ito. Para sa ilang lugar, ito na ang magiging panghuling status ng iyong balota.
Natanggap Na ng Opisina - Natanggap* - Ang iyong balota ay minarkahang natanggap na para sa pagbilang ng opisina ng halalan. Laging ina-update ng opisina ng halalan ang status na ito; hindi ito nauugnay sa data ng USPS.
Natanggap ng Opisina - Na-flag* - Posibleng may isyu sa iyong balota at dapat kang makipag-ugnayan sa inyong opisina ng halalan. Laging ina-update ng opisina ng halalan ang status na ito; hindi ito nauugnay sa data ng USPS.
-
Kapag naipadala na sa koreo, kadalasang bibilang ng 2-5 araw bago matanggap ang iyong balota. Tandaan na ang tinatayang petsa ng pagtanggap ay natutukoy sa pamamagitan ng papel na may USPS scan data na natatanggap kapag ang balota ay namarkahan ng "out for delivery" mula sa iyong lokal na post office, at hindi ibig sabihin ay dumating na sa iyong mailbox.
-
Maaaring ikaw ay nasa lugar kung saan tina-track lang ng Ballot Scout ang iyong balota mula sa iyong opisina ng eleksyon papunta sa iyo dahil hindi nalagyan ng opisina ng eleksyon ng Intelligent mail barcode ang iyong balota pabalik. Hindi ibig sabihin na ang iyong balota ay hindi pabalik sa opisina, ngunit hindi lang namin tina-track ang prosesong iyon.
-
Hindi ibig sabihin nito na ang balota mo ay hindi naglalakbay, maaaring ibig lang nitong sabihin na hindi pa ito muling nai-scan ng USPS. Maraming pagkakataon na maaaring ang ilang mga pasilidad ng koreo ay walang kagamitan sa pag-scan upang maipatuloy ang pag-scan sa balota o maaaring inaayos ng USPS ang balota sa paraang hindi dumadaan ang balota sa mga naaangkop na scanning machine. Kung hindi ka tiyak kung dapat natanggap mo na ang iyong balota sa isang partikular na petsa o kung dapat natanggap na ng opisina ang iyong balota, hinihikayat ka namin na kontakin ang iyong lokal o pang-estadong opisina ng eleksyon.
-
Una, tiyakin na dumating na ang lahat ng iyong mga sulat para sa araw na iyon. Darating ang mga balota kasama ng mga sulat na regular na dinadala sa iyo, at hindi ito nakahiwalay na dadalhin tulad ng sa mga pribadong tagapagpadala ng package. Pagkatapos, tingnan kung hindi dumating ang balota kasama ng mga bunton ng sulat noong nakaraang araw. Kung minsan maaaring mapagkamaliang junk mail ang mga sobre ng balota! Kung dumating na ang iyong mga sulat para sa araw na iyon at hindi mo nakita ang sobre, tawagan ang iyong lokal na opisina ng eleksyon sa numerong ibinigay. Maaaring ipinadala ng USPS ang iyong balota sa maling address o maaaring hindi ito madeliver at kailangan kang ma-isyuhan ng bagong balota.
-
Para sa dahilang pangkaligtasan, sinusuportahan namin ang kasalukuyang major release ng bawat browser at isang nakaraang bersyon. Kung nahihirapan kang gumamit ng Ballot Scout, subukang i-update ang iyong browser sa kasalukuyang bersyon.
-
Maingat naming tinitiyak na mananatiling pribado ang impormasyon ng botante. Hindi namin ibinibenta ang mga impormasyon ng user, at hindi din kami nagbabahagi ng personal na data para sa anumang kadahilanan bukod sa pagbibigay sa iyo ng mga impormasyon at serbisyong iyong hinihingi. Para matuto pa tungkol sa aming mga kagawian panseguridad, pakibisita ang aming page para sa patakaran ng privacy at mga tuntunin ng serbisyo.